Powered By Blogger

Monday, August 26, 2013

Filipino Language: The Bridge Towards Progress

A bridge is a structure connecting two or more lands separated by other bodies. This can also be a thing, a person, experience or event that enables things to be hooked with one another.

Mainit sa radyo, telebisyon, at pati na rin sa diyaryo ang mga suliraning dulot ng hindi pagkakaintindihan. Saan man lumingon, nakikita ang gulong dulot nito. Kung ang mga magkakapamilyang may iisang wika’y nagkakaroon ng sigalot na kadalasang umaabot sa kitilan ng buhay, ano pa kaya sa pagitan ng iba’t-ibang rehiyon, relihiyon, lalawigan, pulo, at grupo na bumubuo sa Pilipinas? Paano uunlad ang isang bansa kung ang anggulong ito ang naghahari?

Sa aklat ni Rizal na pinamagatang El Filibusterismo, nabatid ng tauhang si Basilio na ang Wikang Kastila ang siyang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, ang pagkakaroon ng pambansang wika ang pinakamatibay na tulay upang maisaayos at maiwasan ang mga suliraning maari nitong maidulot. Kung may iisang wika sa isang bansa, mas madaling maipabatid ng bawat mamayan ang kanilang mga saloobin sa kapwa, sila man ay nabibilang sa iisang grupo o hindi. Kung may kaliwanagan sa bawat salitang binibitawan ng tao, at kasing-aliwalas naman nitong darating sa tenga ng nakikinig, mas maayos at mas mapayapa ang lipunan.

Hindi lamang sa Kriminolohiya magbibigay ng pag-unlad ang pagkakaroon ng iisang wika. Maaapektuhan rin nito ang ekonomiya ng bansa. Sa kalakalan, mahalaga ang pagkakaintindihan. Kung may malinaw na pagmumungkahi rito, mas maganda, mas mabilis at mas maayos ang daloy ng negosyo.


Filipino language will serve as the bridge to our country’s developments. If a country is peaceful and its economy is growing constantly, no doubt for reforms to take place. So, to all Filipinos out there, study, learn and use our National language properly. Hand in hand, let us build and strengthen the bridge towards progress!

No comments:

Post a Comment