A bridge is
a structure connecting two or more lands separated by other bodies. This can
also be a thing, a person, experience or event that enables things to be hooked
with one another.
Mainit sa
radyo, telebisyon, at pati na rin sa diyaryo ang mga suliraning dulot ng hindi pagkakaintindihan.
Saan man lumingon, nakikita ang gulong dulot nito. Kung ang mga
magkakapamilyang may iisang wika’y nagkakaroon ng sigalot na kadalasang umaabot
sa kitilan ng buhay, ano pa kaya sa pagitan ng iba’t-ibang rehiyon, relihiyon,
lalawigan, pulo, at grupo na bumubuo sa Pilipinas? Paano uunlad ang isang bansa
kung ang anggulong ito ang naghahari?
Sa aklat ni
Rizal na pinamagatang El Filibusterismo, nabatid ng tauhang si Basilio na ang
Wikang Kastila ang siyang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, ang pagkakaroon
ng pambansang wika ang pinakamatibay na tulay upang maisaayos at maiwasan ang
mga suliraning maari nitong maidulot. Kung may iisang wika sa isang bansa, mas
madaling maipabatid ng bawat mamayan ang kanilang mga saloobin sa kapwa, sila
man ay nabibilang sa iisang grupo o hindi. Kung may kaliwanagan sa bawat
salitang binibitawan ng tao, at kasing-aliwalas naman nitong darating sa tenga
ng nakikinig, mas maayos at mas mapayapa ang lipunan.
Hindi
lamang sa Kriminolohiya magbibigay ng pag-unlad ang pagkakaroon ng iisang wika.
Maaapektuhan rin nito ang ekonomiya ng bansa. Sa kalakalan, mahalaga ang
pagkakaintindihan. Kung may malinaw na pagmumungkahi rito, mas maganda, mas
mabilis at mas maayos ang daloy ng negosyo.
Filipino
language will serve as the bridge to our country’s developments. If a country
is peaceful and its economy is growing constantly, no doubt for reforms to take
place. So, to all Filipinos out there, study, learn and use our National
language properly. Hand in hand, let us build and strengthen the bridge towards
progress!